Traslacion tagilid sa coronavirus

Pinag-aaralan ng pamunuan ng Quiapo Church ang posibilidad ng pagkansela sa Traslacion 2021 o ang pagpuprusisyon sa imahe ng Itim na Nazareno dahil sa banta ng COVID-19.

The post Traslacion tagilid sa coronavirus first appeared on Abante.

traslacion tagilid sa coronavirus - Traslacion tagilid sa coronavirus
abante translaction - Traslacion tagilid sa coronavirus

Pinag-aaralan ng pamunuan ng Quiapo Church ang posibilidad ng pagkansela sa Traslacion 2021 o ang pagpuprusisyon sa imahe ng Itim na Nazareno dahil sa banta ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Fr. Douglas Badong, vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na nila kung paano maidaraos ng ligtas ang kapistahan ng Quiapo na dinadagsa ng milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno.

Sinabi ni Badong, sa ngayon ay ikinukunsidera na ng procession committee ang ilang proposal sa pagdaraos ng Traslacion na isinasagawa tuwing ika-9 ng Enero, upang matiyak na masusunod ang mga panuntunan sa physical distancing na ipinaiiral ng pamahalaan.

“Kailangan talaga namin ma-practice ngayon at least ‘yung mga tao masanay na ito ang ipapatupad natin, na may physical distancing habang nagsisimba sila sa nobenaryo ng Traslacion,” dahdah pa ni Badong.

Samantala, umapela rin si Bandong sa pamahalaan na payagan nang makapasok ang mas maraming deboto sa Simbahan, o kahit hanggang 30-percent man lang ng kapasidad nito.

Sa kasalukuyan ay 100 katao o hanggang 10% lamang ng 1,000 seating capacity ng simbahan ang pinapayagang makapasok sa Quiapo Church. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Traslacion tagilid sa coronavirus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *