Trapik pa rin! One-way sa SLEX East Service Road wa epek

GINAWA nang one-way ang East Service Road sa Muntinlupa subalit gapang pa rin ang daloy ng trapik.

trapik pa rin one way sa slex east service road wa epek - Trapik pa rin! One-way sa SLEX East Service Road wa epek
traffic 3 - Trapik pa rin! One-way sa SLEX East Service Road wa epek

GINAWA nang one-way ang East Service Road sa Muntinlupa subalit gapang pa rin ang daloy ng trapik.

Ito ang reklamo ng mga motorista sa unang araw ng implementasyon ng traffic system sa Muntinlupa.

Pinatupad ang sistema simula alas-10:00 ng Martes nang gabi kung saan ang East Service Road ay dadaanan lamang ng mga sasakyan pa-northbound mula Alabang hanggang Sucat Interchange.

Ginawa ito dahil sa matinding trapik na dulot ng ginagawang extension ng Skyway.

“Dapat ang SLEX wala nang bayad kapag ganito ang trapik,” himutok ng isang motoristang natengga ng ilang oras bago nalusutan ang trapik sa expressway.

Umaangal naman ang ibang naghahanapbuhay sa ginawang one-way na East Service Road.

Ayon sa isang tricycle driver, dati ay nakapaghahatid siya ng pasahero patungong Starmall, Festival Mall at sa public market pero ngayong ginawa nang one way ang kalsada ay nabawasan ang kanilang kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *