Trapik kumakain ng oras sa pamilya, trabaho – Poe

Lumalabas na mas matagal pa umano ang oras ng tao sa kalye kaysa kanilang pamilya o trabaho.

trapik kumakain ng oras sa pamilya trabaho poe - Trapik kumakain ng oras sa pamilya, trabaho – Poe
grace poe 5 - Trapik kumakain ng oras sa pamilya, trabaho – Poe

Lumalabas na mas matagal pa umano ang oras ng tao sa kalye kaysa kanilang pamilya o trabaho.

Ito ang sinabi kahapon ni Senador Grace Poe kaya’t kailangang kailangan nang masolusyunan ng gobyerno ang palala nang palalang problema sa trapiko sa buong kamaynilaan at kalapit nitong mga lalawigan.

“Araw-araw na nagtitiis ang ating mga kababayan sa kalsada. Huwag naman sanang dumating ang araw na mas maraming oras pa tayong nasa kalye kaysa sa trabaho o pamilya,” pahayag ni Poe, chair ng Senate committee on public services.

“Pag umulan nga lang, minsan halos abutan na tayo ng umaga sa daan. Kulang na lang tumira tayo sa kalye. Lahat tayo ay sabik na sabik na makakita ng solusyon sa problemang ito. Kailangan tamang plano at tamang direksyon ang gagawin natin,” dagdag ito.

Ngayong araw, Lunes, itutuloy ng komite ang pagdinig sa panukalang provincial bus ban sa kahabaan ng Edsa.

Inaasahang dadalo sa pagdinig sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Metro Manila Development Authority (MMDA) chair Danilo Lim na parehong inisnab ang unang pagdinig ng komite.

“The traffic in the country is a situation that requires all hands on deck. We need all the help we can get,” ani Poe.

Pinaalalahana pa ng senador ang MMDA at DOTr na isumite ang kanilang transport master plan para sa short, medium at long-term program ng ahensiya para maibsan ang trapik sa Metro Manila.

Rerebyuhin din ng komite ang traffic management power ng MMDA para malaman kung sila’y may kapangyarihan na magpatupad ng mga polisiya tulad pagbabawal ng provincial bus sa Edsa. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *