Transport holiday ng mga TNVS driver tagumpay

NAGING matagumpay umano para sa mga grupo ng transport network vehicle services (TNVS) dri­ver, ang 12 oras nilang ‘transport holiday’ dahil marami umano silang naging kakampi.

The post Transport holiday ng mga TNVS driver tagumpay appeared first on Abante News Online.

transport holiday ng mga tnvs driver tagumpay - Transport holiday ng mga TNVS driver tagumpay
TNVS - Transport holiday ng mga TNVS driver tagumpay

NAGING matagumpay umano para sa mga grupo ng transport network vehicle services (TNVS) dri­ver, ang 12 oras nilang ‘transport holiday’ dahil marami umano silang naging kakampi.

Ayon kay Jun De Leon, tagapagsalita ng Laban TNVS, ramdam ang ikinasa nilang ‘transport holiday dahil tumaas ang pamasahe sanhi ng mataas na ‘demand’ gayung nag-offline ang ilang TNVS drivers.

Kasabay nito, nagbabala naman ang grupo na kanilang uulitin ang transport strike kapag hindi pa rin pinagbigyan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang hiling na payagan ang mga hatchback sa kalsada

Giit ni De Leon, kahit minsan ay hindi pa sila hinarap ng LTFRB officials upang hilingin na dapat nang ipatupad ang Memorandum Circular 2018-005 na pinapayagan mag-operate ang mga hatchback hanggang 2021.

“Unang-una po nagpadala po tayo ng sulat sa LTFRB noong March. Hinintay po namin ‘yung reply nila dito pero hindi po nila tinanggap ang sulat. Ang ginawa lang po namin dito pinadala namin thru LBC. Pero hanggang ngayon po e wala. Kaya ito po ang naisip namin para mapansin po,” anang tagapagsalita ng Laban TNVS.

Ngayong Martes ay magkakaalaman umano sa pamamagitan ng dayalogo sa pagitan ng TNVS drivers at LTFRB ang kahihinatnan ng kanilang mga hinaing.

Batay naman sa pahayag ni Atty. Jenicka Hosaka, Public Affairs Manager ng Grab, walang “extraordinary difficulties” sa pag-book ng sasakyan sa kabila ng ikinasang transport strike.

“We thank our TNVS partners for upholding the riding public’s interests above their own. Despite TNVS transport holiday initiated by some groups, we have not seen extraordinary difficulties in getting rides today.

Passenger booking requests were served well through efforts by TNVS drivers all over Metro Manila,” dagdag ni Atty Hosaka.

Pansamantala naman hindi muna itinuloy ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Safety Commuters and Protection (LSCP) ang kanila sanang ihahaing kaso laban sa mga opisyales ng LTFRB.

Subalit sakaling hindi mapagbigyan ng mga opisyales ng LTFRB ang kahilingan ng mga TNVS driver, kanila itong itutuloy upang papanagutin ang LTFRB sa naturang usapin. (Dolly Cabreza)

The post Transport holiday ng mga TNVS driver tagumpay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *