Transport group sa Antipolo balik-biyahe na

PINAYAGAN nang makabiyahe ang ilang mga transport group o kooperatiba na magmumula sa Antipolo City sa Lalawigan ng Rizal, papunta sa iba’t ibang destinasyon sa Metro Manila.

The post Transport group sa Antipolo balik-biyahe na first appeared on Abante.

transport group sa antipolo balik biyahe na - Transport group sa Antipolo balik-biyahe na
abante antipolo - Transport group sa Antipolo balik-biyahe na

PINAYAGAN nang makabiyahe ang ilang mga transport group o kooperatiba na magmumula sa Antipolo City sa Lalawigan ng Rizal, papunta sa iba’t ibang destinasyon sa Metro Manila.

Nagpasalamat naman agad si Mayor Andrea Ynares sa Department of Transportation at sa LTFRB dahil makakatulong ito sa mga driver at sa pamilya nila ngayong panahon ng pandemya.

“Maraming salamat po, DOTR at LTFRB sa pag-apruba ng ilan sa aming mga aplikasyon para iba’t ibang transport groups o kooperatiba kasama ang kani-kanilang mga ruta ang magkabyahe,” sinabi ni Mayora Ynares.

Kabilang sa mga biyahe na muling aarangkada na ang: Antipolo-Cubao (via Sumulong Highway vice versa); Antipolo-Cubao (via Olalia Road/COGEO vice versa); SM Masinag-Greenbelt/Ayala (point to point); Antipolo-Robinsons Galleria (point to point); Antipolo-Ayala (via Ortigas vice versa); Masinag-Ayala (via C5 vice versa); Paenaan-Marikina (via Marcos Highway vice versa); COGEO-Marikina (via Marcos Highway vice versa); Antipolo-Marikina (via Sumulong Highway vice versa); COGEO-Paenaan (via Marcos Highway vice versa); COGEO-Palo Alto (via Marcos Highway vice versa); COGEO-Padilla (via Marcos Highway vice versa); Mambugan-Marikina (via Sumulong Highway vice versa); Antipolo-Marikina (via Sumulong Highway vice versa); COGEO, Bagong Nayon-Marikina (via Marcos Highway vice versa); at ang Siniloan-Cainta (via Antipolo-Teresa Road vice versa).

Pero humirit pa ang alkalde sa pamahalaan ng dagdag pa na pag-aapruba, para na rin sa mga mananakay bukod sa pamilya at mismong drivers.

“Kung hindi po kalabisan, sana po ay mapagbigyan nyo pa ang iba pa naming requests na hindi niyo naisama sa 16 na inyong unang inaprubahan para mas madagdagan pa po ang mga pampublikong transportasyon para sa aming mga hirap na hirap na mga kababayan at mananakay para lang makapasok sa kanilang trabaho at iba pang mahahalagang pupuntahan nang ligtas mula sa COVID-19,” pahayag ni Mayora Ynares.

Muli namang pinaalalahanan ni Mayora Ynares ang mga sumasakay na laging alalahanin ang social distancing at mga face masks at face shields maging ang ibang protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

The post Transport group sa Antipolo balik-biyahe na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *