Transparency, giit ng MKP

NANAWAGAN ang Murang Kuryente Party-list (MKP) kahapon sa National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) ng transparency sa kabiguan nitong ituloy ang initial public offe­ring (IPO) na dapat nangyari sa unang bahagi ng taon.

The post Transparency, giit ng MKP appeared first on Abante News Online.

transparency giit ng mkp - Transparency, giit ng MKP
mkp - Transparency, giit ng MKP

NANAWAGAN ang Murang Kuryente Party-list (MKP) kahapon sa National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) ng transparency sa kabiguan nitong ituloy ang initial public offe­ring (IPO) na dapat nangyari sa unang bahagi ng taon.

Ayon kay MKP nominee at matagal nang energy advocate na si Gerry Arances, kaduda-duda ang sinseridad ng NGCP upang maging transpa­rent at matupad ang tungkulin nito, lalo’t hindi pa nareresolba ang artipisyal na power crisis sa Luzon.

“10 taon na simula nu’ng nag-umpisa ang kontrata nila, hindi pa rin sila nakapaghanda para sa IPO. Parang ayaw nila buksan ang kanilang mga rekord sa publiko,” diin ni Arances.

Sa IPO, unang iniaalok ng isang kompanya na magbenta ng mga sapi nito na dadaan sa mahigpit na regulasyon at kailangang bukas ang operasyon nito sa publiko.
Nakasaad sa kontrata ng NGCP sa gobyerno ng Pilipinas na kailangang pumasok sa IPO ang kompanya sa loob ng 10 taon sa pagbubukas nito noong Enero 15, 2009. 

Ngunit sa halip mag-alok ng IPO ay humingi ng palugit ang NGCP ng ekstensiyon sa Energy Regulatory Commission noong nakaraang Abril 9, 2019. 

“Mga distributor at generation companies binabanatan natin dahil sa krisis ngayon pero ‘yung NGCP hindi rin sumusunod sa kontrata,” ani Arances. “Bakit sila hindi rin natin panagutin?”

Nangangamba si Arances na simpleng delaying tactic lamang ang taktika ng NGCP para maiwasan ang pagtatanong ng publiko.

The post Transparency, giit ng MKP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *