Transition ni Isko inisnab ng Erap camp

DISMAYADO ang transition team ni Manila Mayor-elect Isko Moreno matapos na hindi siputin ng kampo ni Manila Outgoing Mayor Erap Estrada kahapon sa itinakdang turnover ng mga dokumento sa VIP Lounge ng Quirino Grandstand sa Maynila.

The post Transition ni Isko inisnab ng Erap camp appeared first on Abante News Online.

transition ni isko inisnab ng erap camp - Transition ni Isko inisnab ng Erap camp
abante Isko - Transition ni Isko inisnab ng Erap camp

DISMAYADO ang transition team ni Manila Mayor-elect Isko Moreno matapos na hindi siputin ng kampo ni Manila Outgoing Mayor Erap Estrada kahapon sa itinakdang turnover ng mga dokumento sa VIP Lounge ng Quirino Grandstand sa Maynila.

“They should make a formal turnover. Ang magiging problema natin dyan ay properties. How can we be accountable to the properties if hindi matu-turn over formally,” ayon kay incoming City Administrator Felix Espiritu.

Sinabi naman ni DILG Manila field office representative Leah Peralta na maaaring i-account ng kampo ni Domagoso ang mga maabutan niya sa city hall simula Hulyo 1 hanggang Hulyo 15.

Tiniyak din nito na iuulat niya sa central office ng ahensiya na walang nangyaring turn over ceremony sa lungsod ng Maynila kung saan may katumbas itong kaukulang kaso.

“Non-compliance to the provisions of this Memorandum Circular shall be dealt with in accordance with applicable laws and other pertinent issuances,” ayon kay Leah Peralta, officer in charge ng DILG Manila.

Nabatid na alas-10:30 ng umaga nang magpunta sa lugar ang transition team ni Moreno pero ‘no show’, ang team ni Estrada. (Juliet de Loza-Cudia/Mia Billones)

The post Transition ni Isko inisnab ng Erap camp appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *