Trak sumalpok sa poste: Mag-asawa, 1 pa dedbol

HANGGANG kamatayan magkasama ang mag-asawa sa Mariveles, Bataan nang bumangga ang sinasakyan nilang trak sa poste ng kuryente at magtuloy-tuloy sa isang auto supply store Martes nang gabi.

The post Trak sumalpok sa poste: Mag-asawa, 1 pa dedbol appeared first on Abante News Online.

trak sumalpok sa poste mag asawa 1 pa dedbol - Trak sumalpok sa poste: Mag-asawa, 1 pa dedbol
dead 7 - Trak sumalpok sa poste: Mag-asawa, 1 pa dedbol

HANGGANG kamatayan magkasama ang mag-asawa sa Mariveles, Bataan nang bumangga ang sinasakyan nilang trak sa poste ng kuryente at magtuloy-tuloy sa isang auto supply store Martes nang gabi.

Naipit pa sa loob ng trak sina Geraldo Ignacio, 45, asawang si Lloida Sentillas Ignacio, pawang residente ng Tarlac, habang nasawi rin ang bystander na si Jasper Ungsod, residente ng Barangay Mountain view ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Mariveles Police, naganap ang insidente pasado alas-10:00 nang gabi sa bahagi ng Roman Expressway sakop ng Brgy. Mountain view ng bayang ito.

Matulin umanong binabagtas ng trak na minamaneho ni Geraldo kasama ang kanyang asawa nang mawalan umano ito ng preno at banggain si Ungsod bago sumalpok sa poste ng kuryente at magdire-diretso sa tindahan ng auto parts.

Nahirapan ang mga rumespondeng rescue team sa pagrekober ng bangkay ng mag-asawang Ignacio.

Dead on-the-spot naman si Ungsod matapos na tumilapon at magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

HANGGANG kamatayan magkasama ang mag-asawa sa Mariveles, Bataan nang bumangga ang sinasakyan nilang trak sa poste ng kuryente at magtuloy-tuloy sa isang auto supply store Martes nang gabi.

Nagdulot din ng malawakang brownout ang nasabing aksidente sa ilang barangay sa nabatid na bayan. Nagsasagawa naman ng imbestigasyon hinggil sa insidente. (Edwin Balasa)

The post Trak sumalpok sa poste: Mag-asawa, 1 pa dedbol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *