Train Law pinahihinto

NAIS ni dating Malabon Lone District Representative Jaye Lacson-Noel na ipahinto ang implentas­yon ng Tax Reform for Acceleration & Inclusion (TRAIN) Law na nagpapahirap sa mga  Pilipino. 

The post Train Law pinahihinto appeared first on Abante News Online.

train law pinahihinto - Train Law pinahihinto
train law - Train Law pinahihinto

NAIS ni dating Malabon Lone District Representative Jaye Lacson-Noel na ipahinto ang implentas­yon ng Tax Reform for Acceleration & Inclusion (TRAIN) Law na nagpapahirap sa mga  Pilipino. 

Ayon sa lady solon, bagaman aprubado na ito at ipinatutupad na ng gobyerno, mas makakabu­ting ihinto muna dahil ito ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pagtaas ng bilihin. 

Sa naturang batas, nagpataw ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo.

Bunsod nito ay sumunod ang pagtaas ng pasahe at iba pang pangunahing bilihin gaya ng bigas, gulay at isda. 

“Naging pahirap lalo na sa mahihirap ang TRAIN Law. Hindi naman agad dumating ang ayuda mula sa pamahalaan lalo na at hanggang ngayon hindi pa napipirmahan ng Pangulo ang national budget,” sabi ni Lacson-Noel.

The post Train Law pinahihinto appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *