Trahedya sa India: 12 turista nalunod

ISANG dosenang bangkay ng mga turista ang narekober at 17 iba pa ang naisalba habang nasa 34 naman ang pinaghahanap matapos tumaob ang isang tourist boat sa India.

trahedya sa india 12 turista nalunod - Trahedya sa India: 12 turista nalunod
drown 750x430 - Trahedya sa India: 12 turista nalunod

ISANG dosenang bangkay ng mga turista ang narekober at 17 iba pa ang naisalba habang nasa 34 naman ang pinaghahanap matapos tumaob ang isang tourist boat sa India.

Sa ulat, binabaybay ng Royal Vashishta vessel na may lulang 63 katao ang bahagi at patu­ngo sa isang picnic spot malapit sa Rajahmundry sa Andhra Pradesh state nang mangyari ang trahedya.

Kagya’t namang sumaklolo ang rescue team at mga diver kabilang ang isang helicopter na nag-ikot sa tutok ng lumubog na bangka sa Godavari river para mahanap ang mga nalunod na mga pasahero.

Ang lumubog na bangka ay pag-aari ng gobyernong India, ayon sa ulat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *