Traffic enforcer nagsoli ng napulot na P1M tseke

Pinarangalan ang isang traffic enforcer sa Mandaue City matapos ibalik ang nakuha sa kalsada na 14 tseke na nasa P1.1 milyon ang kabuuang halaga.

The post Traffic enforcer nagsoli ng napulot na P1M tseke first appeared on Abante.

traffic enforcer nagsoli ng napulot na p1m tseke - Traffic enforcer nagsoli ng napulot na P1M tseke
trafficv - Traffic enforcer nagsoli ng napulot na P1M tseke

Pinarangalan ang isang traffic enforcer sa Mandaue City matapos ibalik ang nakuha sa kalsada na 14 tseke na nasa P1.1 milyon ang kabuuang halaga.

Tinanggap ni traffic enforcer Jose “Jun” Feraniel Jr., 54, ang plaque of recognition mula sa Mandaue City government dahil sa kanyang katapatan.

Sa ulat, sinabi ni Feraniel na Huwebes ng hapon, Oktubre 22 habang naka-duty siya sa Sudlon, Barangay Maguikay nang mapansin niya ang mga papel na nagliliparan kapag dumadaan ang mga sasakyan.

Nang tingnan ay nadiskubre niyang mga tseke ito at agad niyang itinawag sa kanyang supervisor na si Rolando Templado, na siya namang nag-turnover noon sa Traffic Enforcement Agency-Mandaue Office.

Kinabukasan ay naisoli ang mga tseke sa may-ari.

The post Traffic enforcer nagsoli ng napulot na P1M tseke first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *