Tradisyonal medicine center binuksan ng DOH

Binuksan na ng Department of Health (DOH)-Calabarzon sa publiko ang kauna-unahang center na nag-aalok ng tradisyonal na pamamaraan ng panggagamot.

The post Tradisyonal medicine center binuksan ng DOH first appeared on Abante.

tradisyonal medicine center binuksan ng doh - Tradisyonal medicine center binuksan ng DOH
traditional - Tradisyonal medicine center binuksan ng DOH

Binuksan na ng Department of Health (DOH)-Calabarzon sa publiko ang kauna-unahang center na nag-aalok ng tradisyonal na pamamaraan ng panggagamot.

Sinabi ni DOH-Regional Director Eduardo C, Janairo na isang magandang altenatibo ang pagbubukas sa publiko ng Traditional Complementary and Alternative Medicine (TCAM) upang sa pagkapanganak pa lamang sa isang bata ay maumpisahan na ang paggagamot sa pamagitan ng isang traditional at alternative medine upang hindi sila maging drug dependent.

Dagdag pa ni Janiato na higit na nakakabuti rin ang traditional medicine sa mga nakatatanda upang hindi sila masanay sa pag-iinom ng mga gamot.

“Kahit sino pwedeng pumunta dito, may sakit man o wala. Lalo na ang ating mga elderly na mayroong mga dinaramdam at sa mga kababayan natin na gustong magpagamot gamit ang complementary at alternative medicine para hind sila maging drug dependent.” paliwanang ni Janairo

Kabilang sa mga serbsiyong medikal na inaalok ng TCAM ay ang acupuncture, yoga, ventosa, moxibustion and herbal medicines.

Ang TCAM at pakikiisa sa Alliance of Health Oriented Neighbors (AHON) na matatagpuan sa Batangas Medical Center (BatsMC) ay may sariling kuwarto para sa kanilang mini-micro laboratory, spa, assessment at evaluation, yoga at music therapy, medical work out at relief and wellness para sa kanilang mga pasyente. (Gene Adsuara)

The post Tradisyonal medicine center binuksan ng DOH first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *