Trabaho sa mga graduate tiniyak ni Bam Aquino

Nangako si Senador Bam Aquino na isusulong ang pagpasa ng kanyang panukala na titiyak ng trabaho para sa mga K to 12 at college graduate matapos maisakatuparan ang batas sa libreng kolehiyo.

The post Trabaho sa mga graduate tiniyak ni Bam Aquino appeared first on Abante News Online.

trabaho sa mga graduate tiniyak ni bam aquino - Trabaho sa mga graduate tiniyak ni Bam Aquino
ABANTE bam aquino - Trabaho sa mga graduate tiniyak ni Bam Aquino

By Dang Samson-Garcia

Nangako si Senador Bam Aquino na isusulong ang pagpasa ng kanyang panukala na titiyak ng trabaho para sa mga K to 12 at college graduate matapos maisakatuparan ang batas sa libreng kolehiyo.

Sinabi ni Aquino na makatutulong ang kanyang Trabaho Center bill para matupad ang panga­rap ng mga magulang na magkaroon ng magandang trabaho ang kanilang mga anak pagkatapos ng kolehiyo.

“Pangarap ng bawat magulang na makatapos ang kanilang mga anak at magkaroon ng magandang trabaho para hindi na nila maranasan ang hirap ng buhay,” diin ng senador.

Iginiit ni Aquino na ang sunod na malaking hamon ay matiyak na mayroong trabaho ang mga benepisyaryo ng libreng kolehiyo matapos makuha ang kanilang diploma.

“Para sa akin, hindi natatapos ang kwento sa Libreng Kolehiyo dahil meron pang isang pangarap ang mga magulang para kanilang mga anak na dapat tuparin,” ani Aquino.

“Ito ang makahanap ang mga anak ng magandang trabaho para hindi nila maranasan ang hirap na pinagdaanan ng kanilang magulang,” dagdag pa ng senador.

Layon ng panukala ni Aquino na magtatag ng mga Trabaho Center o job placement office sa mga public high school at state universities and colleges (SUCs).

Kapag naisabatas, makatutulong itong resolbahin ang problema sa jobs mismatch at mataas na unemployment rate sa bansa.

“Isusulong ko ang pagtatayo ng Trabaho Center sa buong bansa kung saan pagtatagpuin ang mga naghahanap ng trabaho at ang mga kompanyang naghahanap ng empleyado,” ani Aquino.

The post Trabaho sa mga graduate tiniyak ni Bam Aquino appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *