Trabahador ng DPWH 24/7 nagtatrabaho

Minamadali na nang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kino-convert na COVID-19 facility, isa na ang PICC Forum Tent na inilaan para sa mga mild to moderate cases ng naturang sakit.

trabahador ng dpwh 24 7 nagtatrabaho - Trabahador ng DPWH 24/7 nagtatrabaho
abante dpwh - Trabahador ng DPWH 24/7 nagtatrabaho

Minamadali na nang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kino-convert na COVID-19 facility, isa na ang PICC Forum Tent na inilaan para sa mga mild to moderate cases ng naturang sakit.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, na sa sitwasyon ngayon, kailangang makipag-unahan sa oras ang ahensiya, at tiniyak na tatapusin ang health facilities sa loob ng sampung araw dahil 24/7 ang ginagawa nilang pagtatrabaho.

Ayon pa sa opisyal, kailangang madaliin ang pagsasaayos ng health care facilities dahil na rin sa tumataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 upang magkaroon ng kaluwagan ang mga nagsisiksikang ospital sa Metro Manila at mailaan ang mga hospital bed para sa malalalang kaso.

Magtatayo rin ng anim na pasilidad sa labas ng PICC forum tent para sa mga medical personnel na gagamot sa mga pasyente.

Bukod sa PICC, on-going na ang trabaho sa Rizal Memorial Coliseum at sa World Trade Center.

Katuwang ng DPWH sa pagtatayo ng COVID facilities ang pribadong sektor sa pangunguna ng EEI Construction, Razon Group, Ayala Group at Villar group. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *