Towing sa Maynila tigil na – Isko

DESIDIDO si Manila Mayor-elect Isko Moreno na itigil ang towing sa lungsod upang mabawasan ang pangingikil ng ilang lokal na opisyal ng siyudad.

The post Towing sa Maynila tigil na – Isko appeared first on Abante News Online.

towing sa maynila tigil na isko - Towing sa Maynila tigil na – Isko
towing - Towing sa Maynila tigil na – Isko

DESIDIDO si Manila Mayor-elect Isko Moreno na itigil ang towing sa lungsod upang mabawasan ang pangingikil ng ilang lokal na opisyal ng siyudad.

Aminado si Moreno na isa sa mga ugat ng korapsyon sa Maynila ang paghatak ng mga nakabalandra o naka-park na mga sasakyan sa mga iligal na lugar.

Sinabi ni Moreno na maganda ang layunin at konsepto ng towing dahil nagtuturo ito ng disiplina pero nagi­ging sanhi rin ito ng katiwalian kaya dapat lang itong alisin.

Hindi pa naman tinukoy ng bagong halal na alkalde kung anong sistema ang kanyang ipapalit sa towing.

Nakiusap muna ito sa mga taga-Manilenyo na sumunod sa mga batas-trapiko para hindi magka-problema.

“Pasuyo lang, kusang loob na disiplina,” ani Moreno.

Samantala, umapela si Moreno sa mga empleyado ng city hall na ihinto na ang pamumulitika sa pagpasok ng bagong liderato.

“’Magbati-bati na kayo. I don’t want to lead a divided city because at the end of the day, tayo-tayo din magkikita sa finals e,” sabi pa nito. (Mia Billones)

The post Towing sa Maynila tigil na – Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *