Top 8 drug suspect laglag sa QC

Nasamsam ang higit P115,000 halaga ng shabu sa tinuturing na top 8 drug personality ng National Capital Region Police Office, kamakalawa.

The post Top 8 drug suspect laglag sa QC first appeared on Abante.

top 8 drug suspect laglag sa qc - Top 8 drug suspect laglag sa QC
shabu kulong - Top 8 drug suspect laglag sa QC

Nasamsam ang higit P115,000 halaga ng shabu sa tinuturing na top 8 drug personality ng National Capital Region Police Office, kamakalawa.

Laglag sa kinasang buy-bust operation ng Quezon City Police at mga kaugnay na unit, ang suspek na si Gian Christopher De Guzman, 35, residente ng Brgy. Quirino 2-B, at top 1 drug personality rin sa kanilang distrito.

Ayon sa ulat, isang impormante ang nag-ulat sa mga awtoridad hinggil sa pagtutulak ng iligal na droga ni De Guzman. Kasunod n anito ang kinasang buy-bust laban sa kanya alas-2:25 ng hapon sa Marang Street ng nasabing barangay.

Umiskor ng P8,500 halaga ng shabu ang poseur buyer mula sa suspek na nagresulta sa pagkaaresto nito. Nakumpiska rin sa kanya ang 17 gramo ng shabu, buy-bust money, at cell phone na gamit nito sa transaksyon sa droga.

Mahaharap sa De Guzman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post Top 8 drug suspect laglag sa QC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *