Tomas Claudio bridge sa Maynila pinasara

May anim na buwan isasara sa trapiko ang Tomas Claudio Bridge sa Pandacan, Maynila para isailalim sa rehabilitasyon na sinimulan nitong Sabado nang gabi.

tomas claudio bridge sa maynila pinasara - Tomas Claudio bridge sa Maynila pinasara
ABANTE Tomas Claudio bridge - Tomas Claudio bridge sa Maynila pinasara

May anim na buwan isasara sa trapiko ang Tomas Claudio Bridge sa Pandacan, Maynila para isailalim sa rehabilitasyon na sinimulan nitong Sabado nang gabi.

Nabatid na may 12,000 motorista ang apektado sa pagsasara ng tulay na nag-uugnay sa Valenzuela St., sa Sta. Mesa hanggang Quirino Avenue
Ayon sa ipinalabas na abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-10:00 ng gabi ng Sabado nang simulan ang pagsasara sa nasabing tulay para sa pagkukumpuni at konstruksiyon ng Skyway Stage 3.
Kasabay nito, pinayuhan ng MDTEU ang mga motoristang dumaan muna sa mga alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Sa abiso ng MDTEU, ang mga motorista na patungo Sta. Mesa sa Maynila ay maaaring dumiretso sa Labores St., kumanan sa Jesus St. at sa Laura St., at kuma­liwa sa Jacinto Zamora Bridge.

Gayundin, puwede silang dumaan sa isa pang alternatibong ruta sa Ramon Magsaysay Boulevard at saka kumanan sa Old Sta. Mesa.

Ang mga sasakyang papunta naman sa SLEX o South Luzon Expressway na galing ng Old Sta. Mesa o Jacinto Zamora bridge, ay maaaring gamitin ang open median island lane, kaliwa sa Beata St. patungo sa destinasyon.

Habang mga behikulo naman na manggagaling ng Sta. Mesa sa Maynila ay maaaring dumaan sa Lubiran, kumanan sa New Panaderos, dumiretso sa Pedro Gil Ave hanggang Quirino Ave. papunta sa destinasyon.

Iyong mga sasakyan naman na manggagaling sa Tejeron St. o JP Rizal Avenue ay maaaring dumiretso sa Dr M. Carreon, dumiretso sa Menandro St., kumanan sa Laura St. hanggang sa destinasyon.

Ang mga heavy vehicle naman na gaya ng mga trak ay maaaring dumaan sa Beata St. at dumaan sa Jesus St. hanggang Quirino Avenue. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *