Tolentino target ang water recycling plant

NAGBIGAY ng posibleng solusyon si senatorial candidate Francis Tolentino sa naranasang water crisis sa Kalakhang Maynila.

The post Tolentino target ang water recycling plant appeared first on Abante News Online.

tolentino target ang water recycling plant - Tolentino target ang water recycling plant
Abante 2019 Francis Tolentino - Tolentino target ang water recycling plant

NAGBIGAY ng posibleng solusyon si senatorial candidate Francis Tolentino sa naranasang water crisis sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Tolentino, posibleng sagot ang water purifier na kanilang ginamit noong tumama ang bagyong Yolanda sa Tacloban noong siya’y chairman pa para sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 2013.

“Ang nakikita ko rito kagaya nung ginawa ko sa Tacloban, may dala akong water purifier. So ‘yung sa Tacloban kahit na ‘yung putik-putik naiinom ‘yun, napangsasaing,” ayon kay Tolentino.

Dagdag pa ng dating presidential adviser, hindi rin dapat umano bangkuhan ng dalawang water concessionaire ang mga sewage treatment plant bagkus ay dapat pagtuunan ang naging sistema sa Singapore pagdating sa solusyon sa tubig.

“Kung magkakaroon ng tamang congressional investigation, dapat doon sa prangkisa mayroon ‘yung kung ano ‘yung legality nito, kung puwedeng dagdagan, amyendahan ‘yung prangkisa to obligate Manila Water and Maynilad to invest not just in STPs, sewage treatment plants, para ‘wag madumi ‘yung tubig but on water recycling facilities para mainom ulit gaya sa Singapore,” aniya pa.

The post Tolentino target ang water recycling plant appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *