Tolentino pumalag sa gimik ng ilang katunggali

BINALAAN ni administration senatorial bet at da­ting Presidential Political Adviser Francis Tolentino ang publiko laban sa mga mapanirang gimik na ipinapakalat ng kanyang mga katunggali laban sa kanya matapos niyang maungusan ang ilang kilalang pangalan para makapasok sa Magic 12 ng pinaka-bagong Pulse Asia survey.

The post Tolentino pumalag sa gimik ng ilang katunggali appeared first on Abante News Online.

tolentino pumalag sa gimik ng ilang katunggali - Tolentino pumalag sa gimik ng ilang katunggali
abante Francis Tolentino 1 - Tolentino pumalag sa gimik ng ilang katunggali

BINALAAN ni administration senatorial bet at da­ting Presidential Political Adviser Francis Tolentino ang publiko laban sa mga mapanirang gimik na ipinapakalat ng kanyang mga katunggali laban sa kanya matapos niyang maungusan ang ilang kilalang pangalan para makapasok sa Magic 12 ng pinaka-bagong Pulse Asia survey.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag pagkatapos kumalat nitong Sabado ang mga umano’y campaign coupon na may larawan niya at nagsasabing may libreng bigas at grocery siyang ipinamimigay.

Ayon kay Tolentino, nagkaroon ng ganitong insidente sa San Jose del Monte at Marilao, Bulacan noong Sabado at mga riding-in-tadem umano ang mga namimigay ng nasabing claim stub.

“Kasama sa laban ang mga ganitong uri ng paninira, kung kaya nga’t nais kong linawin sa publiko na walang katotohanan ang mga kumakalat na kupon at kinokendena ko ang maruming pamumulitika ng mga nasa likod nito,” giit ni Tolentino.

Giit ng dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority, malinaw na patunay ito ng panlilinlang ng mga nagnanais na sirain ang tiwala ng mga mamamayan sa dating kalihim.

Hinala ng kampo ni Tolentino, may mga ibang lugar pa kung saan namigay din ng nasabing kupon. Dagdag nila na iniimbestigahan na ng mga pulis ang naturang insidente.

Si Tolentino ay umabante na sa ika-10 puwesto base sa pinaka-bagong Pulse Asia Survey na kinalap mula Marso 23 hanggang 27. (JC Cahinhinan)

The post Tolentino pumalag sa gimik ng ilang katunggali appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *