Tokhang ibahin ang diskarte

NAGING mukha na umano sa unang kalahating taon ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katagang ‘tokhang’ laban sa giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga.

tokhang ibahin ang diskarte - Tokhang ibahin ang diskarte
abante Tokhang - Tokhang ibahin ang diskarte

NAGING mukha na umano sa unang kalahating taon ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katagang ‘tokhang’ laban sa giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ngayong na sa lega­cy mode na umano ang Presidente, dapat simulan na ang paglipat nito sa reporma at rehabilitasyon sa kampanya laban sa anti-illegal drugs, ayon kay Senador Sonny Angara.

“Naramdaman na ng mga tulak at gumagamit ng ilegal na droga ang kamay na bakal ng administration. Makaraan ng tatlong taon, sa tingin ko ay kahit paano hindi na kasing tindi ng nakaraan ang pagtutulak ng droga sa bansa,” sabi ni Angara.

“Panahon na para baguhin ang imahe ng ating gobyerno, zhindi­ lang sa ating mga kababayan, kundi pati sa mga dayuhan na nagoobserba sa ating kampanya laban sa droga,” dagdag nito.

Para makasabay sa ‘soft approach’ ng gobyerno sa paglaban sa iligal na droga, itinutulak ni Angara ang pagtatag ng National Anti-Illegal Drug Campaign and Research Program (AIDCARE), na naglalayong ireporma ang mga biktima ng iligal na droga.

Magkakaroon din ng national helpline para sa mga taong umabuso sa iligal na droga at bibigyan ng tulong para mai-refer sila sa mga rehabilitation center o ‘di kaya nama’y mabigyan ng agad na responde sa panahon ng emergency. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *