Toda app aarangkada sa Taytay

Aarangkada na sa bayan ng Taytay, Rizal ang pinakabagong ride-hailing service app na naglalayong maserbisyuhan ang mga Taytayeno gamit ang tricycle.

The post Toda app aarangkada sa Taytay first appeared on Abante.

toda app aarangkada sa taytay - Toda app aarangkada sa Taytay
TODA PH - Toda app aarangkada sa Taytay

Aarangkada na sa bayan ng Taytay, Rizal ang pinakabagong ride-hailing service app na naglalayong maserbisyuhan ang mga Taytayeno gamit ang tricycle.

Naganap ang contract signing sa pagitan ng TODA PH at lokal na pamahalaan ng Taytay gamit ang nasabing app dahil gagamit ito ng mga tricycle para sa mga pangunahing transportasyon na iikot sa buong bayan ng Taytay.

Nagpapasalamat si Taytay Mayor Joric Gacula sa TODA PH dahil sa bayan nila ginanap ang kauna-unahang launching ng app na ito at ang tanging layunin nito ay ma-uplift ang buhay ng mga karaniwang magtra-tricycle.

Nabatid na nasa P38.50 ang base fare sa unang kilometro subalit P25 na lamang ang babayaran ng mga magpapa-book dahil sasagutin ng lokal na pamahalaan ng Taytay ang P14.

Pwedeng bumiyahe kahit saang bahagi ng Taytay ang mga tricycle driver na kasapi dito.

Tiniyak naman ng TODA PH ang seguridad at kaligtasan ng mga mananakay at mga tricycle driver.

Maaaring i-download ang toda app at magagamit ito sa pag-book ng tricycle, pagde-deliver at iba pang services.(Vick Aquino)

The post Toda app aarangkada sa Taytay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *