Tiyaga ni tatay sa anak na PWD hinangaan ng netizen

HINANGAAN ng maraming citizen ang sakripisyo ng isang ama para sa kanyang naka-wheelchair na anak na mula high school at hanggang sa kumuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) ay matiyagang hinahatid at hinihintay ang kanyang anak.

tiyaga ni tatay sa anak na pwd hinangaan ng netizen - Tiyaga ni tatay sa anak na PWD hinangaan ng netizen
ABANTE PWD - Tiyaga ni tatay sa anak na PWD hinangaan ng netizen

HINANGAAN ng maraming citizen ang sakripisyo ng isang ama para sa kanyang naka-wheelchair na anak na mula high school at hanggang sa kumuha ng Licensure Examination for Teachers (LET) ay matiyagang hinahatid at hinihintay ang kanyang anak.

Sa Facebook post ni Sheila Mae Glor, ibinahagi nito ang kanyang nasaksihan sa sakripisyo ng isang ama para sa kanyang anak.

Alas-6:30 ng umaga nang mapansin ni Glor ang matanda na nakaupo lamang sa isang sulok at matiyagang hinintay ang maghapong exam ng anak na isang person with disability (PWD).

Palangiti at palabati naman ang matanda kaya binati niya ito at sumagot na hinihintay umano niya ang kanyang anak na nag-exam.

Nabatid na mula noong 1st year nito ay hatid-sundo na siya ng ama sa paaralan hanggang sa makatapos ng kolehiyo at kumuha ng LET.

Naantig daw ang puso ni Glor nang marinig ang mga katagang iyon. Dito raw napagtanto ni Glor ang mga sakripisyo ng isang magulang. Hindi raw nito alintana kung nakakapagod, basta para sa anak.

“Isinama ko po kayo sa prayer ko Tay. Na nawa bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n’yo,” sabi ni Glor sa kanyang trending Facebook post.

Hindi na raw nakapagpatuloy­ ng pag-uusap sina Glor at Tatay dahil­ natapos na sa exam ang anak nito at sinabihan na lamang niya ito na isasama sa kanyang panalangin na humaba pa ang buhay para patuloy na magabayan ang kanyang anak. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *