Titser todas sa trailer truck

SUMEMPLANG sa kanyang motorsiklo kaya nagulungan ng trailer truck at namatay ang isang 30-anyos na guro kamakalawa nang gabi sa Tondo, Maynila.

The post Titser todas sa trailer truck appeared first on Abante News Online.

titser todas sa trailer truck - Titser todas sa trailer truck
patay ns estudyante - Titser todas sa trailer truck

SUMEMPLANG sa kanyang motorsiklo kaya nagulungan ng trailer truck at namatay ang isang 30-anyos na guro kamakalawa nang gabi sa Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District Traffic Endorcement Unit (MDTEU), nakilala ang biktima na si Patrick John Cabiles, residente ng 11306 Katuparan St., Tondo.

Naaresto naman ang suspek na si Richard Vale­ra, 28, driver, at residente ng Brgy. 12, Langaray St., Caloocan City.

Naganap ang insidente alas-7:40 nang gabi sa may Radial Road 10, sa Tondo.

Sa imbestigasyon ni P/SMS Junjun Jasminez ng MDTEU, nakita sa CCTV sa lugar na sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na may plakang 1366-0186578, at bumabagtas pa-norte sa Radial Road 10, nang bago sumapit sa kanto ng Katuparan St., ay nawalan ito ng kontrol sa behikulo sanhi upang sumemplang ito at bumagsak sa semento.

Dahil dito ay nasagasaan ito ng kasabayan na trailer truck (tractor head- ABG-4804 at trailer –TUH-309), na minamaneho naman ni Valera, at bumabagtas din sa naturang lugar.

Namatay noon din ang biktima sanhi ng matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan, habang kaagad namang naaresto ni Brgy. EX-O Francisco Bagayunan ang suspek at dinala sa presinto.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa Manila Prosecutor Office ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Titser todas sa trailer truck appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *