Tinusok ng karibal, dedo

Patay ang isang 49-anyos na tricycle driver matapos pagsasaksakin ng lalaking naging karibal niya sa pag-ibig, kamakalawa nang gabi sa harap ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Escolta, Sta.Cruz, Maynila.

tinusok ng karibal dedo - Tinusok ng karibal, dedo
ABANTE tinarakan bully saksak - Tinusok ng karibal, dedo

Patay ang isang 49-anyos na tricycle driver matapos pagsasaksakin ng lalaking naging karibal niya sa pag-ibig, kamakalawa nang gabi sa harap ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Escolta, Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ni PCapt Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Matronilo Zambales, taga Barangay 303, Zone 29 Sta. Cruz, Maynila na nasawi dahil sa tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto naman ng mga tauhan ng MPD-Police Station 3 sa kanyang bahay ang suspek na si Jamael Madali, 37-anyos, taga Guzman St., Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PCMS John Charles Duran ng MPD-HS, naganap ang insidente dakong alas-11:10 nang gabi sa nabanggit na lugar nang magkrus ang landas ng dalawa.

Nalaman kay Renz Rumusud, nakita umano niya na nagsasagutan ang biktima at suspek kaya lumapit siya at namagitan sa dalawa.

Umalis naman ang suspek pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek at armado na ng patalim at pinagsasaksak ang nabiglang biktima na bumagsak sa kalsada at nawalan ng malay.

Tumakas ang suspek habang isinugod naman ng mga nakakita sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Nalaman na may matanda nang alitan ang dalawa dahil sa babae na unang nakasama ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *