Tinakbuhan ni Erap: 324 endo worker babayaran ni Isko

BABAYARAN ng lokal­ na pamahalaan ng Maynila ang mga hindi nabigay na sahod ng 324 mga manggagawa nito na kinontrata ng nakaraang administrasyon, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

tinakbuhan ni erap 324 endo worker babayaran ni isko - Tinakbuhan ni Erap: 324 endo worker babayaran ni Isko
isko 22 - Tinakbuhan ni Erap: 324 endo worker babayaran ni Isko

BABAYARAN ng lokal­ na pamahalaan ng Maynila ang mga hindi nabigay na sahod ng 324 mga manggagawa nito na kinontrata ng nakaraang administrasyon, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Nabatid na karamihan sa mga empleyado na ito ay tinanggap bilang mga job order worker noong Pebrero 2019 ngunit hindi pa nakakatanggap ng kanilang mga suweldo, sabi ni Moreno.

Pinangakuhan aniya ang mga manggagawang ito na magtrabaho sa city hall, ngunit ginamit sila sa kung saan.

Sabi ng alkalde, “…despite na sila ay ginamit laban sa akin… kahit na sila ay namulitika, ginamit saan-saan, one thing is for sure, I will give them what is due to them.”

Tumanggi si Moreno na tumbukin kung ang mga manggagawa ay nagsilbing mga boluntaryo sa kampanya ni dating Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang pamahalaan ng lungsod ay gagastos ng P1.65 milyon sa first tranche reimbursement, pahayag ni Manila Public Information Office chief Julius Leonen.

Magkakaiba ang ha­laga ng kanilang tatanggapin dahil hindi pare-pareho ang tagal ng kanilang mga kontrata, ang ilan ay tinanggap ng 3 buwan habang ang iba ay 5 buwan, sabi niya. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *