Timbangan ng bayan ikalat sa pamilihan

Timbangan ng bayan ikalat sa pamilihan

NAGHAIN si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng isang panukala na maglagay ng ‘Timbangan ng Bayan’ sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan, kabilang ang mga supermarket.

timbangan ng bayan ikalat sa pamilihan - Timbangan ng bayan ikalat sa pamilihan
recto 5 - Timbangan ng bayan ikalat sa pamilihan

NAGHAIN si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng isang panukala na maglagay ng ‘Timbangan ng Bayan’ sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan, kabilang ang mga supermarket.

Ayon kay Recto, kung magkakaroon ng Timbayan ng Bayan sa bawat pamilihan, makatitiyak ang mamimili na tama sa timbang ang kanilang mga binili.

“It will avoid those ‘tinimbang ka ngunit kulang’ moments for consumers who have been wittingly or unwittingly sold underweight goods,” ani Recto.

Bagama’t marami namang mangangalakal na tapat at gumagamit ng saktong weighing scale, may ilan din naman na nagbebenta ng produktong kulang sa timbang.

“Minsan naman, hindi alam na sira ang timbangan kasi nga walang official weighing scale na pagbabatayan,” ani Recto.

“The Timbangan ng Bayan can also validate the claimed weight of products packed and canned in factories,” dagdag pa nito.

Ang Department of Trade and Industry at mga local government unit ang siyang mamamahala sa paglagay ng Timbangan ng Bayan sa palengke at iba pang pamilihan. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *