‘Tilapia’ sa Bilibid labas—masok

MAHIGIT sa P30,000 ang ibinabayad ng mga high profile inmate sa maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) para makapasok ang isang ‘tilapia’ o babae.

tilapia sa bilibid labas masok - ‘Tilapia’ sa Bilibid labas—masok
NBP - ‘Tilapia’ sa Bilibid labas—masok

MAHIGIT sa P30,000 ang ibinabayad ng mga high profile inmate sa maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) para makapasok ang isang ‘tilapia’ o babae.

Ito ang ibinunyag kahapon ni dating Bureau of Correction (BuCor) officer-in-charge Rafel Ragos sa ikalimang pagdinig ng Senado hinggil sa iba’t ibang mga anomalya sa naturang ahensiya.

Sa pagtatanong ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, inusisa nito si Ragos tungkol sa raket o mga pagkakakitaan sa loob ng Bilibid at isa na umano rito ang pagpasok ng ‘tilapia’ o mga babae na request diumano ng mga high profile inmate.

“Sa loob ng maximum maraming unsual transaction regarding money making for exampl­e ‘yung tilapia, nakakapagpasok sila diyan. Nag-e-enjoy sila sa mga babae na ‘yun,” sagot ni Ragos sa tanong ni Lacson.

Tilapia umano ang code name para sa mga babaeng ino-order ng mga high profile inmate sa maximum security compound.

Nang tanungin ni Lacson kung magkano ang presyo ng isang tilapia, sinabi ni Ragos na P30,000 ang halaga nito. “Ang alam ko, P30,000 magdamag lang ‘yun,” sabi ni Ragos.

Sinabi pa ni Ragos, na halos lahat ng mga high profile na nakakapagpasok ng babae sa loob at isa na rito ang convicted drug lord na si Peter Co.

“‘Yung mga high profile, maraming mga girlfriend o asawa, whatever you call it lalo na ‘yung mga foreigner, si Peter Co. Halos lahat naman (may mga babae),” sabi pa ni Ragos.

Bukod sa prostitusyon, ibinunyag din ni Ramos na talamak ang pagkidnap sa mga kamag-anak o dalaw ng mga mayayamang Chinese national.

Sabi ni Ragos, ang mga high-profile inmate ang magbibigay ng tip sa mga pulis kung sino ang kanilang dudukutin at sila rin ang makikipag­negosasyon sa mga mga mayayamang Chinese na nakapiit sa loob.

“Ipapakidnap po, ang negotiation sa loob, mga P200,000 [kada nakidnap],” lahad ni Ragos.

Walang tigil din umano ang sugalan sa loob ng NBP dahil sinusuhulan umano ng mga high profile inmate ang mga opisyal ng BuCor para sa kanilang operasyon sa diumano’y “virtual casino”.

“May isang building 24 hours ang sugalan, maraming pera sa loob.

Magdamagan po ang kanilang sugalan,” saad ni Ragos.

Kaugnay naman ng raket sa catering, sinabi ni Ragos na naglalagay diumano ang mga negosyante na may negosyong catering ng mga hanggang P800,000 sa ilang opisyal ng BuCor.

“Noong panahon ko ‘yung kabigan ko, nag-abot ng P800,000 (sa loob ng tatlong buwan).

Bukod diyan, sinabi ni Rogas na nagbibigay ng ‘parating’ ang ilan mga high profile inmate sa bagong upong opisyal ng BuCor tulad ng convicted drug lord na si Amin Boratong, ang utak sa ‘shabu-tiangge’ sa Pasig city.

“Kalakaran pala na pag may bagong opisyal nagdadala pala talaga sila ng pera,” dagdag pa nito.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *