Tiklop kay Gierran: 43 PhilHealth exec bumitiw, nagretiro

May 43 executive ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naghain ng courtesy resignation habang ang iba ay nagpasyang magretiro na.

The post Tiklop kay Gierran: 43 PhilHealth exec bumitiw, nagretiro first appeared on Abante.

tiklop kay gierran 43 philhealth exec bumitiw nagretiro - Tiklop kay Gierran: 43 PhilHealth exec bumitiw, nagretiro
abante philheath - Tiklop kay Gierran: 43 PhilHealth exec bumitiw, nagretiro

May 43 executive ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naghain ng courtesy resignation habang ang iba ay nagpasyang magretiro na.

Kasunod ito ng memorandum na inilabas ni PhilHealth president Dante Gierran para sa mga senior officer ng ahensya noong Setyembre 30 kung saan hiningi nito ang kanilang mga courtesy resignation.

Nabatid na pinatutupad lamang ni Gierran ang 2019 Board resolution ng ahensya at tinutukoy nito ang mga opisyal ng PhilHealth na nasa salary grade 26 o mas mataas pa.

Ayon Philhealth, 16 ang naghain ng retirement at umaasang makakubra ng pension sa Government Service Insurance System (GSIS). Sampu sa kanila ay nasa central office at anim naman ang nagtatrabaho sa mga regional office.

May 27 executive ang nagsumite naman ng courtesy resignation. Sa Central office ang 21 sa kanila habang anim ay mula sa mga regional office.

Ayon sa mga ulat, may 66 opisyal ang Philhealth na may salary grade 26 o mas mataas pa.

Suportado ng Malacañang ang hakbang ni Gierran na magsumite ng courtesy resignation ang mga opisyal ng ahensya base umano sa lumang Board resolution na bigong ipatupad ni dating PhilHealth president Ricardo Morales.

“The Palace welcomes the move of PhilHealth President and Chief Executive Officer Dante Gierran to implement an old PhilHealth Board Resolution – which his predecessor, Mr. Ricardo Morales, blatantly failed to carry out – directing all senior officers with Salary Grade 26 and above to tender their courtesy resignation,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque. (Eileen Mencias/Prince Golez)

The post Tiklop kay Gierran: 43 PhilHealth exec bumitiw, nagretiro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *