Textbook gawing e-books – Lapid

Naghain si Senador Manuel “Lito” Lapid ng isang panukala na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 8047 o “Book Publishing Industry Development Act.

The post Textbook gawing e-books – Lapid first appeared on Abante.

textbook gawing e books lapid - Textbook gawing e-books – Lapid
abante textbook - Textbook gawing e-books – Lapid

Naghain si Senador Manuel “Lito” Lapid ng isang panukala na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 8047 o “Book Publishing Industry Development Act.

Sa ilalim ng panukalang ito, oobligahin ang mga publisher na sumasali sa Public School Textbook Program ng gobyerno na payagan ang pag-scan o pag-convert nang inapurbahang libro sa e-books at iba pang digital format.

Inihain ni Lapid ang panukala sa gitna na kasalukuyang sitwasyon sa pampublikong paaralan kung saan limitado ang bilang ng mga aklat. Dahil dito, ang mga mag-aaral ay naghihiraman na lang sa isa’t isa.

Sa kasalukuyang set-up ng blended learning, pangkaraniwan na ang pag-share ng learning material ng mga estudyante dahil sa kakulangan din ng mga printed modules.

“Sa panahong ito na delikado ang paglaganap ng COVID -19 virus, mas mainam kung maisalin na lamang sa e-books o digital format ang mga libro para ligtas ang bawat estudyante at magagamit nila ito gaano man nila kadalas kailanganin nang hindi nagmamadali dahil may iba pa silang kaklase na kailangang manghiram ng module o libro,” paliwanag pa nito. (Dindo Matining)

The post Textbook gawing e-books – Lapid first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *