Testing czar inismol mga frontliner

Tila balewala kay testing czar Vince Dizon ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ito’y sa kabila ng daing ng mga health frontliner sa pag-full capacity ng mga ospital dahil sa pandemya.

testing czar inismol mga frontliner - Testing czar inismol mga frontliner
dizon - Testing czar inismol mga frontliner

Tila balewala kay testing czar Vince Dizon ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ito’y sa kabila ng daing ng mga health frontliner sa pag-full capacity ng mga ospital dahil sa pandemya.

Paliwanag ni Dizon, normal lang aniya ang pagsirit ng mga nagpopositibo sa Pilipinas dahil na rin umano sa mataas na testing capacity ng bansa kada araw.

Matatandaang humingi ng ‘time out’ ang medical community sa gobyerno dahil hindi na kinakaya ang patuloy na pagtaas ng mga pasyente sa Metro Manila at ibang karatig-bayan, kaya binalik ang nasabing mga lugar sa modified enhanced community quarantine ng dalawang linggo.

Nagpapatunay pa sa hinaing ng mga frontliner ay ang report ng isang Singapore news agency na Strait Times, kung saan tinuring na susunod na COVID hotspot ng Southeast Asia ang Pilipinas, ngunit ayon kay Dizon ay normal lang umano ang sitwasyon ng health crisis sa bansa.

“What the data shows us is that since we ramped up testing we have found more positive [cases], and our people have to understand that that is normal. Dati, nung wala tayong testing, hindi tayo nakakahanap ng masyadong maraming positibo,” tugon ni Dizon nang hingan ng reaksyon kaugnay sa ulat na namumuro na ang Pilipinas na tawaging COVID hotspot sa SouthEast Asia.

Sinabi pa ni Dizon na normal lamang ang nangyayaring pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa dahil sa maraming hakbang na ginagawa ang pamahalaan, kung saan pinagmalaki nito na mas higit na mataas ang daily testing capacity ng Pilipinas kaysa sa Indonesia at South Korea.

“Ang mga ibang bansa tulad ng Indonesia, ang kanilang testing ay kalahati lang ng ginagawa nating testing ngayon… Ang Indonesia halos kalahati lang. Ang Singapore wala pa sa kalahati. Halos doble na rin tayo ng testing ng South Korea,” giit nito.

Nitong Huwebes ay nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming active case sa Southeast Asia, na may 47,587 kumpara sa 37,530 ng Indonesia.

Hindi naman bumenta kay Muntinlupa Ruffy Biazon ang pahayag ni Dizon.

“My problem with the more testing line: If there were less testing, would there be less infection? Or just more undetected transmission leading to more uncontrolled spread? I think that line leads to complacency,” komento ni Biazon. (Prince Golez/Mia Billones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *