TESDA tutulong sa mga ex-MILF rebel

NAGLAAN ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng P275 mil­yon upang makatulong sa pagbabagong buhay ng mga dating rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

tesda tutulong sa mga ex milf rebel - TESDA tutulong sa mga ex-MILF rebel
ABANTE TESDA - TESDA tutulong sa mga ex-MILF rebel

NAGLAAN ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng P275 mil­yon upang makatulong sa pagbabagong buhay ng mga dating rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Inilahad ni TESDA Director General Isidro Lapeña ang kabuuang halaga na gagamitin matapos ang paglagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng ahensya at Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP).

“We have programmed the amount for the entire BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao)… An initial group of former MILF combatants will be trained as trainers,” sabi ni Lapeña sa isang interview.

Ang OPAPP at BARMM government ay magkatuwang sa pagsasagawa ng pag-aaral upang matukoy kung anong mga pagsasanay isasailalim ang mga dating MILF fighter upang maging produktibong mga mamamayan.

Desidido umano ang TESDA na tulungan ang mga decommissioned MILF combatant na magkaroon ng kaalaman upang masustina ang kanilang pagbabagong buhay at para magkaroon ng kumikitang kabuhayan .

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, Jr., ang partnership sa TESDA ay alinsunod sa inisyatiba ng Comprehensive Agreement on the Bangsamo­ro at peace and deve­lopment agenda ng administrasyong Duterte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *