TESDA National Kabalikat Award iginawad kay Salceda

GINAWARAN ng pagkilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) si Albay Rep. Joey Salceda bilang 2019 National Kabalikat Awardee nito sa ika-25 anibersaryo ng ahensiya kamakailan.

tesda national kabalikat award iginawad kay salceda - TESDA National Kabalikat Award iginawad kay Salceda
salceda 7 - TESDA National Kabalikat Award iginawad kay Salceda

GINAWARAN ng pagkilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) si Albay Rep. Joey Salceda bilang 2019 National Kabalikat Awardee nito sa ika-25 anibersaryo ng ahensiya kamakailan.

Ang Kabalikat Award ay pinakamataas na karangalang institusyunal na taunang iginagawad ng TESDA.

Isa itong pagkilala sa sinumang patuloy at makabuluhang sumusuporta sa ‘technical education and skills development program’ nito na daan tungo sa kapaki-pakinabang na kahusayan ng mga manggagawang Pilipino.

Nasungkit din ng kongresista ang pang-rehiyong karangalan para sa Bicolandia.

Dahil ito sa tuloy-tuloy niyang suporta sa TESDA mula pa noong unang naging siyam na taon siyang kinatawan at siyam na taong gobernador ng Albay, hanggang ngayong muling kinatawan siya ng Albay sa Kamara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *