TESDA may app para sa naghahanap ng skilled worker

Nakatakdang ilunsad ng Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) ang isang application na inaasahang magi­ging tulay sa mga graduates nito para magamit na oportunidad sa kanilang lugar.

The post TESDA may app para sa naghahanap ng skilled worker appeared first on Abante News Online.

tesda may app para sa naghahanap ng skilled worker - TESDA may app para sa naghahanap ng skilled worker
tesda - TESDA may app para sa naghahanap ng skilled worker

Nakatakdang ilunsad ng Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) ang isang application na inaasahang magi­ging tulay sa mga graduates nito para magamit na oportunidad sa kanilang lugar.

Sa idinaos na media forum sa Kapihan sa Manila Bay kahapon ng umaga itinulad ni Tesda director general Isidro Lapeña sa po­pular na ride hailing app na Grab ang kanilang bagong proyekto na ilulunsad sa susunod na buwan.

Sinabi ni Lapeña, na gaya ng Grab, kung kailangan ng isang tao ng tubero, karpentero, o anumang skilled worker, kaila­ngan lamang ng mga ito na mag-book sa 911-Tesda app para makahanap ng Tesda gra­duate na malapit sa lugar.

Sa kasalukuyan ay inaayos na lang aniya nila ang itatakdang presyo o bayad para sa magiging serbisyo.

Tiniyak din ni Lapena na de-kalidad ang klase ng serbisyong ibibigay ng mga skilled worker dahil sisiguruhin nilang hasang-hasa ang mga ito bago nila pakawalan. (Mia Billones)

The post TESDA may app para sa naghahanap ng skilled worker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *