TESDA chief Lapeña sapol ng COVID-19

Matapos tamaan ng coronavirus disease si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na-test ding positibo si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director Isidro Lapeña.

The post TESDA chief Lapeña sapol ng COVID-19 first appeared on Abante.

tesda chief lapena sapol ng covid 19 - TESDA chief Lapeña sapol ng COVID-19
covid 11 - TESDA chief Lapeña sapol ng COVID-19

Matapos tamaan ng coronavirus disease si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na-test ding positibo si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director Isidro Lapeña.

“Yes at iyong confirmation, yes I tested positive sa COVID-19,” pahayag ni Lapeña sa ulat ng Inquirer.

Ani Lapeña, natanggap niya ang positive swab test result niya nitong Sabado ng umaga nang mai-test kahapon matapos ang pagdinig sa Senado.

“I will continue to perform my duties while in isolation. Wala nang face to face I will be in isolation,” dagdag niya.

Samantala, sa mensahe ni Senador Joel Villanueva sa mga reporter nitong Sabado, negatibo aniya si Lapeña nang magtungo ito sa Senado at siya ang palaging kasama nito pero kapwa sila nakasuot ng face mask at face shield.

Nagagalak naman si Villanueva na lumabas na negatibo ang COVID-19 test sa kanya. (IS)

The post TESDA chief Lapeña sapol ng COVID-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *