Telecommuting isang opsyon sa trabaho

ISA na ngayong opsyon ng mga empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa alternatibong lugar-paggawa gamit ang telecommunication o computer technology matapos ipalabas ng labor department ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ‘Telecommuting Act’.

The post Telecommuting isang opsyon sa trabaho appeared first on Abante News Online.

telecommuting isang opsyon sa trabaho - Telecommuting isang opsyon sa trabaho
telecommuting - Telecommuting isang opsyon sa trabaho

ISA na ngayong opsyon ng mga empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa alternatibong lugar-paggawa gamit ang telecommunication o computer technology matapos ipalabas ng labor department ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ‘Telecommuting Act’.

Nilagdaan kamakailan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang IRR ng Republic Act 11165, o ang Telecommuting Act, na magiging epek­tibo 15 araw matapos itong maipa­lathala sa pahayagang may malawak na sirkulasyon at sa DOLE website.

Batay sa IRR, maaaring ialok ng employer sa pribadong sektor ang telecommuting program sa kanilang empleyado na ang batayan ay bo­luntaryo o ito ay resulta ng collective bargaining.

Management prerogative o collective bargaining option ang bagong pamamaraan sa pagtatrabaho, at ito rin ay nababatay sa bo­luntaryo at parehong kagustuhan ng employer at empleyado, at pagsasaalang-alang sa uri ng trabaho na dapat gampanan.

“Ang kasunduan sa trabaho ay hindi dapat bababa sa minimum na pamantayan sa paggawa na itinakda ng batas, at kasama rito ang oras ng pagtatrabaho na dapat bayaran, minimum na oras ng pagtatrabaho, overtime at araw ng pahinga, karapatan sa leave benefit, social welfare benefit at seguridad sa trabaho,” ani Bello.

Aniya, para sa epektibong pagpapatupad ng telecommu­ting prog­ram, dapat sundin ng employer at ng kanilang emple­yado ang napagkasunduang patakaran o telecommuting agreement. Kasama sa polisiya ang code of conduct at performance evaluation and assessment; naaayong alternatibong lugar na pagtatrabahuhan; paggamit at halaga ng mga kasangkapan; pagtupad sa data privacy, at occupational safety and health, bukod sa iba pa.

Kailangang ipagbigay-alam sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE ng mga kompanya na nagnanais na magpatupad ng telecommuting work arrangement. (Mina Aquino)

The post Telecommuting isang opsyon sa trabaho appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *