Team Khonghun-Paulino nagpasalamat

NAGPASALAMAT sa mga mamamayan ng Olongapo at Zambales ang Team Khonghun-Paulino sa malaking tiwalang ibinigay ng publiko sa kanilang grupo upang makamit ang landslide victory sa katatapos na halalan.

The post Team Khonghun-Paulino nagpasalamat appeared first on Abante News Online.

team khonghun paulino nagpasalamat - Team Khonghun-Paulino nagpasalamat
Team Paulino 2019 - Team Khonghun-Paulino nagpasalamat

NAGPASALAMAT sa mga mamamayan ng Olongapo at Zambales ang Team Khonghun-Paulino sa malaking tiwalang ibinigay ng publiko sa kanilang grupo upang makamit ang landslide victory sa katatapos na halalan.

Sa Facebook post ni Vice Governor-elect Jay Khonghun, sa kabila umano ng pambabato ng masasakit na salita ng kalabang kampo ay kanya itong tiniis dahil malinis umano ang kanyang hangarin na makapaglingkod nang direkta sa tao katuwang si Governor-elect Hermogenes Ebdane.

Nagparating din ng kanilang pasasalamat sina Subic Mayor-elect Jon Khonghun at 1st District Representative Jeffrey Khonghun sa kanilang mga supporter na patuloy umano na naniniwala sa kanila.

Tiniyak naman ni Olongapo City Mayor-elect Atty. Rolen Paulino Jr. na kanyang itutuloy ang nasimulan ng kanyang ama sa paglilingkod sa mga Olongapeño.

“Basta po sama-sama tayo kayang-kaya natin.” ayon pa kay Paulino.

The post Team Khonghun-Paulino nagpasalamat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *