Teacher niratrat sa Bukidnon

Trigger happy nakapatay ng 3, sugatan ang 6 sa Rizal

Sugatan ang isang guro na pinagbabaril ng apat na maskaradong suspek sa eskuwelahan na pinapasukan sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa.

teacher niratrat sa bukidnon - Teacher niratrat sa Bukidnon
baril 5 - Teacher niratrat sa Bukidnon

Sugatan ang isang guro na pinagbabaril ng apat na maskaradong suspek sa eskuwelahan na pinapasukan sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa.

Nagtamo ng dalawang tama sa dibdib at paa ang biktimang nakilalang si Zhydee Cabanelez, 32-anyos, miyembro ng Alliance of Concerned Teachers Region X at nagtuturo sa Dalit Elementary School.

Sa ulat ng Valencia Police, naganap ang insidente dakong alas-otso nang umaga sa loob ng nasabing eskuwelahan.

Nabatid na hinatid pa ang biktima ng kanyang asawang si Ra­mil, na isa ring guro, subalit habang papasok na sila sa paaralan ay dumating ang mga armadong suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.

Binaril ng isa sa mga ito ang guro na nasapul sa dibdib at paa.

Agad na tumakas ang mga suspek palayo ng lugar habang dinala naman ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang gumawa ng krimen at ano ang motibo ng mga ito, habang nasa maayos nang kalagayan ang biktima. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *