Tatay 9 taon kulong sa pagpugot ng anak

Sinentensyahan ng 9 na taong pagkabilanggo ang isang Iranian dahil sa pagpugot nito sa kanyang anak habang ito’y natutulog.

The post Tatay 9 taon kulong sa pagpugot ng anak first appeared on Abante.

tatay 9 taon kulong sa pagpugot ng anak - Tatay 9 taon kulong sa pagpugot ng anak
kulong 10 - Tatay 9 taon kulong sa pagpugot ng anak

Sinentensyahan ng 9 na taong pagkabilanggo ang isang Iranian dahil sa pagpugot nito sa kanyang anak habang ito’y natutulog.

Nangyari ang insidente nitong Mayo 21 sa Talesh, northern province of Gilan dahil umano sa paglalayas ng 14-anyos na anak nitong babae kasama ng lalaki na mas matanda sa kanya. Bukod sa hatol ng korte sa ama ng biktima, pinatawan din ng dalawang taong pagkakulong ang lalaki na kasama umano ng dalagita nang maglayas ito.

Sa panayam naman ng mga news agency sa ina ng dalagita, sinabi nitong natakot siya sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya dahil sa banta ng kanyang asawa na kukunin nito ang kostudiya ng kanilang mas batang anak na lalaki.

Dahil sa naging desisyon ng korte, nabuhay muli sa social media ang usapin ng Islamic Penal Code. Ayon dito, hindi maaaring bitayin ang ama o lolo sa pagpatay nito sa anak o apo.

The post Tatay 9 taon kulong sa pagpugot ng anak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *