Tatakas na suspek na tumalon sa ilog, todas

PATAY at hindi na nakatakas pa ang isang suspek matapos na piliin ang pagtalon sa ilog sa halip na isuko ang sarili makaraang arestuhin sa kasong illegal gambling, kamakalawa nang hapon sa Kabankalan City, Negros Occidental.

The post Tatakas na suspek na tumalon sa ilog, todas appeared first on Abante News Online.

tatakas na suspek na tumalon sa ilog todas - Tatakas na suspek na tumalon sa ilog, todas
todas dead - Tatakas na suspek na tumalon sa ilog, todas

By Vick Aquino

PATAY at hindi na nakatakas pa ang isang suspek matapos na piliin ang pagtalon sa ilog sa halip na isuko ang sarili makaraang arestuhin sa kasong illegal gambling, kamakalawa nang hapon sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Nakilala ang suspek na si Hernan Arroz, 33-anyos,­ na nagtamo ng mga sugat sa leeg, paa at mata nang tumalon sa ilog sa bahagi ng Brgy. Talubangi.

Batay sa imbestigasyon ng Kabankalan Police, inaresto si Arroz noong Huwebes sa kasong illegal gambling ngunit nagawang tumakas at tumalon sa ilog sa pag-aakalang makakatakas at nakitang palutang-lutang sa ilog Biyernes nang umaga.

Agad na dinala ang bangkay at isasailalim sa autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

The post Tatakas na suspek na tumalon sa ilog, todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *