Task force vs bagong COVID itatag

Pinatutukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong coronavirus strain mula sa United Kingdom, na pinangangambahang mas nakahahawa.

The post Task force vs bagong COVID itatag first appeared on Abante.

task force vs bagong covid itatag - Task force vs bagong COVID itatag
abante virus - Task force vs bagong COVID itatag

Pinatutukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong coronavirus strain mula sa United Kingdom, na pinangangambahang mas nakahahawa.

Nais ng Pangulo na magkaroon ng bagong task force na iba pa sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF.

Dapat aniyang pangunahan ang bagong task force ng Department of Science and Technology at Department of Health.

“The government should create another task force, hindi itong atin wala naman tayong alam diyan. Medical. Ideally, it’s the medical persons, na nakatutok lang talaga diyan sa bagong strain whether or not it is here or not,” lahad ng Pangulo sa isang pagpupulong nitong Sabado kasama ang gabinete at mga infectious disease expert. (IS)

The post Task force vs bagong COVID itatag first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *