Tarlac State U binakbakan sa 6 transgender student na hindi pinadalo sa graduation

BINANATAN ni Senador Leila de Lima ang isang Central Luzon-based state university sa makaraang hindi payagang makadalo sa kanilang graduation ang anim na transgender student na nakasuot ng dress.

The post Tarlac State U binakbakan sa 6 transgender student na hindi pinadalo sa graduation appeared first on Abante News Online.

tarlac state u binakbakan sa 6 transgender student na hindi pinadalo sa graduation - Tarlac State U binakbakan sa 6 transgender student na hindi pinadalo sa graduation
lgbt 1 - Tarlac State U binakbakan sa 6 transgender student na hindi pinadalo sa graduation

BINANATAN ni Senador Leila de Lima ang isang Central Luzon-based state university sa makaraang hindi payagang makadalo sa kanilang graduation ang anim na transgender student na nakasuot ng dress.

Iginiit ni de Lima na maitutu­ring itong paglabag sa karapatang pantao ng mga graduate.

Partikular na kinondena ng senador ang Tarlac State University sa pag-oobliga sa mga estudyante na magsuot ng barong tagalog bilang graduation attire.

“We condemn this move to the highest level because this is a clear violation of their right to free expression,” saad ni De Lima.

Tinukoy ng senador ang anim na transgender student na pinagbawalang magsuot ng nais nilang outfit sa pagtanggap ng diploma.

“This saddens me because it happened during the celebration of the LGBT Pride Month. Instead of letting students belonging to the LGBT community to celebrate one of the most memorable moments of their young lives, they were prevented from fully expressing themselves,” dagdag ni de Lima.

“Hindi ito dapat nangyayari, lalo pa’t mayroon mga karapatan ang ating LGBT community na dapat kilalanin at irespeto nang lahat,” diin ni De Lima.

Bilang bahagi ng adbokasiya sa pagpapalakas ng LGBT rights, kasama si De Lima sa mga author ng anti-discrimination bill, na nagbabawal sa diskriminasyon sa sexual­ ­orientation at gender identity or expression o SOGIE. (Dang Samson-Garcia)

The post Tarlac State U binakbakan sa 6 transgender student na hindi pinadalo sa graduation appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *