Taripa sa sugar import gustong ipatupad ng DOF

NAIS ng Department of Finance (DOF) na palitan ng taripa ang pinapatupad na quantitative restriction (QR) sa asukal para makasabay ito sa kompetisyon sa iba pang bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

taripa sa sugar import gustong ipatupad ng dof - Taripa sa sugar import gustong ipatupad ng DOF
dof 1 - Taripa sa sugar import gustong ipatupad ng DOF

NAIS ng Department of Finance (DOF) na palitan ng taripa ang pinapatupad na quantitative restriction (QR) sa asukal para makasabay ito sa kompetisyon sa iba pang bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa pahayag ni DOF Undersecretary Gil Beltran, kinakailangan aniyang magkaroon ng reporma para umangat ang domestic sugar industry.

“Quantitative restrictions need to be replaced by tariffs and safeguard measures (for subsidized products) to allow for more transparent, competitive pricing and allow downstream industries to become more viable and grow as fast as their ASEAN counterparts,” sabi ni Beltran.

Sa ngayon aniya, mayroong effective protection rate (EPR) na 247.8% ang sugar batay sa wholesale price nito. Ito aniya ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng asukal sa lokal na pamilihan kung kaya’t hindi umaangat ang industriya.

Ayon kay Beltran, dahil sa QR sa mga sugar import, ang wholesale price ng refined sugar ay umakyat sa 235.8% sa nakalipas na walong taon o P2,283 kada 50 kilogram ng sako noong 2018.

Mahal aniya ito kumpara sa P842 kada 50 kilogram ng asukal sa Thailand at P430.22 kada 50 kilogram batay sa rate ng United Nations (UN) Food and Agricultural Organizaiton.

Sabi pa ni Beltran, direktang apektado ng import restriction ang domestic price ng higit sa 5 porsiyen­tong tarrif protection sa ilalim ng ASEAN Trade in Goods and Agreement (ATIGA).

Dagdag pa nito na maraming bansa sa ASEAN katulad ng Thailand at Malaysia ang nagpatupad na ng industrialization sa pamamagitan ng modernong agrikultura at pagpapalakas sa kanilang food processing sector.

Gayunman, hindi umano gumana ang ganitong istratehiya sa Pilipinas dahil sa mataas na EPR rate sa basic food processing input. (PNA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *