Tanod tinumba ng hitman

PATAY ang 54-anyos na hepe ng mga barangay tanod makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang papauwi sa kanilang bahay sa San Juan, Batangas Sabado nang hapon.

tanod tinumba ng hitman - Tanod tinumba ng hitman
baril 3 - Tanod tinumba ng hitman

PATAY ang 54-anyos na hepe ng mga barangay tanod makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang papauwi sa kanilang bahay sa San Juan, Batangas Sabado nang hapon.

Sakay na kanyang motorsiklo ang biktimang si Felix Carmona, chief tanod ng Barangay Sampiro nang tamba­ngan ito ng nag-iisang suspek sa municipal road, sakop ng Barangay Buhay na Sapa alas-tres nang hapon.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa isang ‘di natukoy na motorsiklo.

Ayon kay PCol. Rosell Encarnacion, hepe ng San Juan Police, anggulong may kinalaman sa panunungkulan ng biktima bilang barangay tanod ang tinitingnang motibo sa krimen.

Nabatid na masugid umanong tumutulong ang biktima sa kampan­ya ng pulisya hinggil sa iligal na droga.

Posible umano na mayroong galit sa biktima ang may kagagawan ng krimen. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *