Tanod namatay nang dilat

TODAS na nakamulat pa ang mga mata ng isang barangay tanod matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Alay, Badoc, Ilocos Norte noong Huwebes.

The post Tanod namatay nang dilat appeared first on Abante News Online.

tanod namatay nang dilat - Tanod namatay nang dilat
ABANTE sorsogon radio reporter pinatay gun - Tanod namatay nang dilat

TODAS na nakamulat pa ang mga mata ng isang barangay tanod matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Alay, Badoc, Ilocos Norte noong Huwebes.

Kinilala ni Badoc Police Station chief-of-police P/Lt. Noli Alejandro ang biktima na si Melchor Somera, 55-anyos, ng Sitio Nagbabaan ng naturang barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Alejandro, minamaneho umano ng biktima ang kanyang tricycle at siya ay nakatigil nang bigla siyang lapitan ng suspek lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Bumulagta agad si Somero sa lupa at nakitang nakadilat ang mga mata na bagama’t mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ay dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

The post Tanod namatay nang dilat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *