Tanod binoga sa ulo

abante_gunshot

APAT na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang barangay tanod na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Cabuyao City, Laguna, Miyerkoles nang umaga.

The post Tanod binoga sa ulo appeared first on Abante News Online.

tanod binoga sa ulo - Tanod binoga sa ulo
abante gunshot - Tanod binoga sa ulo

APAT na tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang barangay tanod na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Cabuyao City, Laguna, Miyerkoles nang umaga.

Agad nasawi ang biktimang kinilalang si Michael Javier, 41-an­yos, residente at tanod ng Barangay Diezmo, Cabuyao.

Batay sa report ng Cabuyao City police, sakay ng motorsiklo ang biktima at patungo sa direksyon ng Barangay Casili alas-6:45 nang umaga, subalit pagsapit nito sa Barangay Pittland ay hinarang at pinagbabaril ito sa ulo ng suspek.

Agad na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek at kung ano ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

The post Tanod binoga sa ulo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *