Tangke ng tubig sumabog, kelot nadale

NAGKASUGAT-SUGAT ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang lalaki matapos sumabog ang ginagawa niyang improvised water tank kamakalawa nang gabi sa Ermita, Maynila.

The post Tangke ng tubig sumabog, kelot nadale appeared first on Abante News Online.

tangke ng tubig sumabog kelot nadale - Tangke ng tubig sumabog, kelot nadale
ABANTE patient - Tangke ng tubig sumabog, kelot nadale

By Juliet de Loza-Cudia

NAGKASUGAT-SUGAT ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang lalaki matapos sumabog ang ginagawa niyang improvised water tank kamakalawa nang gabi sa Ermita, Maynila.

Nakaratay sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Ricky Gallego, nasa hustong edad dahil sa mga pinsala sanhi ng pagsabog.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 5, alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa 2nd Floor Fire Exit, ng Gedesco Building, na matatagpuan sa 1564 A. Mabini Street, kanto ng Pedro Gil Street sa Ermita.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pagsabog ay gumagawa ang biktima ng improvised water tank sa gusali.

Hindi umano alam ng biktima, na may residue at fumes pa pala ng Fruit Extract Distilate ang drum, kaya habang ipinapasok niya ang isang sinunog na pvc pipe sa container, ay bigla na lang itong sumabog.

Nasabugan umano ang biktima na naging sanhi ng pagkasugat ng katawan nito.
Mabilis naman isinugod nang mga nagrespondeng pulis ang biktima sa pagamutan.

The post Tangke ng tubig sumabog, kelot nadale appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *