Tangkang suicide nagresulta sa brownout

MALAWAKANG brownout ang naranasan sa Zamboanga City, kahapon kasunod ng tangkang pagpapa-kamatay ng isang lalaki na umakyat sa poste ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

The post Tangkang suicide nagresulta sa brownout appeared first on Abante News Online.

tangkang suicide nagresulta sa brownout - Tangkang suicide nagresulta sa brownout
oyut - Tangkang suicide nagresulta sa brownout

MALAWAKANG brownout ang naranasan sa Zamboanga City, kahapon kasunod ng tangkang pagpapa-kamatay ng isang lalaki na umakyat sa poste ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Tinukoy ng pulisya na 21-anyos ang lalaki at fruit trader ng Brgy. Guisao ng nasabing lungsod.

Nabatid na nag-ugat ang tangkang pagpapakamatay ng lalaki matapos ang pagtatalo niya at ng kasinta-han dahil sa pagtanggi ng huli nito sa alok niyang kasal.

Ayon naman kay Elizabeth Ladaga, NGCP regional corporate communication and public affairs office, kinailangang i-shut down ang 138 kilovolt na linya ng Zamboanga-Pitogo dakong alas-10:26 nang umaga para ma-rescue ang lalaki.

Nagresulta naman ito sa power interruption sa nasabing lungsod.

Matagumpay naman na nasagip ng Search and Rescue Unit ang lalaki. Gayunman, sa pagsisiyasat sa lalaki, nasamsam sa bulsa nito ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Isasailalim naman umano sa medical treatment ang lalaki. (PNA)

The post Tangkang suicide nagresulta sa brownout appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *