Tandem ng mga korap kay Duterte lang bumagsak

Tapos na ang maliligayang araw ng mga kurakot sa gobyerno.

The post Tandem ng mga korap kay Duterte lang bumagsak first appeared on Abante.

tandem ng mga korap kay duterte lang bumagsak - Tandem ng mga korap kay Duterte lang bumagsak
abnate rody duterte - Tandem ng mga korap kay Duterte lang bumagsak

Tapos na ang maliligayang araw ng mga kurakot sa gobyerno.

Ito ang mensahe ng ginawang pag-anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangalan ng ilang kongresista at district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsabwatan umano para magkapera sa mga proyekto ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magsisilbing babala ang ginawa ng Presidente sa iba pang mga opisyal ng gobyerno na mayroong mga ginagawang kalokohan dahil malalaman at makakarating ito sa Malacañang.

“Ang mensahe sa mga kongresista at sa nasa DPWH, shape up dahil the good days are over,” ani Roque.

Inaasahan aniyang malaki ang magiging pagbabago sa gagawing pagbalasa sa lahat ng district engineers sa bansa dahil mababawasan ang korapsiyon.

Karamihan ani Roque sa mga district engineer ay sunud-sunuran sa mga kongresista at dito pumapasok ang paggawa ng anomalya o katiwalian.

“Kaya nga ang ilang reklamo ay nakikialam sa kung sino ang maa-assign na DE sa kanila, dahil kapag hawak ng isang kongresista ang DE, siyempre mabibigay ang gusto ng mambabatas,” dagdag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na magandang panimula ang ginawa ni Pangulong Duterte laban sa ilang mambabatas at mga district engineer dahil tanging si Pangulong Duterte lamang sa kasaysayan ng bansa ang bumangga sa mga institusyong ugat ng korapsiyon sa matagal ng panahon.(Aileen Taliping)

The post Tandem ng mga korap kay Duterte lang bumagsak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *