Tanaw balik: 5 eskandalong pasabog sa Senado

Sa kabila ng magkakasunod na hamon na kinaharap ng bansa ngayong taon, tuloy ang trabaho ng Senado upang imbestigahan ang mga anomalya sa ilang ahensya ng pamahalaan, gayundin ang pagtugon sa pandemya. Kabilang dito ang:

The post Tanaw balik: 5 eskandalong pasabog sa Senado first appeared on Abante.

tanaw balik 5 eskandalong pasabog sa senado - Tanaw balik: 5 eskandalong pasabog sa Senado
senate 3 - Tanaw balik: 5 eskandalong pasabog sa Senado

Sa kabila ng magkakasunod na hamon na kinaharap ng bansa ngayong taon, tuloy ang trabaho ng Senado upang imbestigahan ang mga anomalya sa ilang ahensya ng pamahalaan, gayundin ang pagtugon sa pandemya.

Kabilang dito ang:

‘Pastillas’ gang

Binunyag ni Senadora Risa Hontiveros nitong Pebrero ang ‘pastillas’ modus sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapalusot ng mga tiwaling kawani ang mga Chinese national sa bansa kapalit ng service na P10,000 bawat isa.

Sa pagsaliksik ni Hontiveros, tinataya nitong bilyong piso ang kinita ng ilang korap na opisyal ng BI. May 1.8 milyong mga Chinese umano ang pumasok sa bansa nitong mga nagdaang taon at ang malaking share ng raket na ito ay napunta sa mga mataas na opisyal ng BI.

Matapos mabunyag ang ‘pastillas’ scheme, binalasa ng BI ang lahat ng immigration officer nito sa NAIA. Noong Setyembre naman, sinampahan ng kasong kriminal ang 19 na BI personnel na nauna nang pinangalan ng witness na sangkot sa modus.

Tinawag na pastillas ang naturang modus dahil nilalagay sa bond paper ang service fee at niro-rolyo na parang pastillas.

Duque pinag-resign

Matapos makapagtala ng mga unang kaso ng kumpirmadong COVID-19 patient sa bansa, nagpatawag ng imbestigasyon para alamin ang kahandaan ng Department of Health (DOH) sa pamumuno ni Secretary Francisco Duque sa krisis na ito.

Dito nadiskubre ang kahinaan ng DOH sa pagtugon sa pandemya kabilang ang pagkabigo nito sa contact tracing ng mga nakasamang pasahero sa eroplano ng ng dalawang Chinese na nagpositibo sa COVID-19.

Hindi rin agad inirekomenda ni Duque sa Malacañang na magpataw ng travel ban sa mga galing sa China, kung saan sinasabing nagsimula ang virus.

Abril 16 nang maghain ng resolusyon ang 14 na senador na humihiling ng agarang pagbibitiw ni Duque dahil sa kanyang mahinang performance sa paghawak nito sa COVID-19 crisis.

5 Senador nagka-COVID

Nasapol ng coronavirus ang limang senador kabilang sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Aquilino ‘Koko’ Pimentel, Sonny Angara, Ramon Bong Revilla Jr., at si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Naging kontrobersyal pa si Pimentel dahil sa umano’y paglabag nito sa protocol nang magpunta ito sa isang ospital sa kabila ng paghihintay nito ng COVID-test result na kalauna’y lumabas na positibo.

Philhealth Scam

Agosto 24 nang simulan ang pagdinig sa isyu ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Pangunahing testigo si dating anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, na nagbitiw sa puwesto sa PhilHealth dahil hindi na umano maatim ang mawalakang korapsiyon na isinagawa ng ilang miyembro ng ‘mafia’ sa ahensiya.

Binunyag niya na humigit kumulang na P15 bilyon ang winaldas at ninakaw ng mga tiwali sa ahensya. Itinuro din ni Keith si Keith si Health Secretary Francisco Duque III bilang ‘godfather’ ng diumano’y mafia sa PhilHealth dahil sa kapasidad nito bilang chairman of the board ng ahensiya. Mariin itong pinubalaan ni Duque.

Matapos ang tatlong pagdinig, nilabas ang rekomendasyon na kasuhan sina Duque at iba pang dati at kasalukuyang mga opisyal ng PhilHealth.

Angel Locsin, Liza Soberano kaladkad sa red tagging

Inumpisahan ng Senate committee on defense, sa pamumuno ni Senador Panfilo Lacson ang pagdinig sa red-tagging diumano sa ilang personalidad at grupo noong Nobyembre 3.

Dito, pinanindigan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at iba pang security official na legal front ng CPP-NPA-NDF ang ilang miyembro ng party-list group sa Kongreso, pinabulaanan naman ito ng mga nasa Makabayan bloc.

Naging hot topic ang red-tagging matapos paalalahan ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang mga celebrity na sina Liza Sobera, Catriona Gray at Angel Locsin na dumistansiya o huwag suportahan ang mga gawin ng mga progresibong grupo.

The post Tanaw balik: 5 eskandalong pasabog sa Senado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *