Talunang politiko pormang X-Men dahil sa COVID

Nagmukhang superhero ang isang talunang pulitiko dahil sa suot nitong face mask at face shield para makaiwas sa peligro ng COVID-19.

The post Talunang politiko pormang X-Men dahil sa COVID first appeared on Abante.

talunang politiko pormang x men dahil sa covid - Talunang politiko pormang X-Men dahil sa COVID
Abante Kartada 5 - Talunang politiko pormang X-Men dahil sa COVID

Nagmukhang superhero ang isang talunang pulitiko dahil sa suot nitong face mask at face shield para makaiwas sa peligro ng COVID-19.

Hitsurang X-Men ang politiko kaya naman agaw-eksena siya sa kanilang live stream sa social media kasama ang limang iba pa.

Bukod kasi sa kulay itim niyang face mask, kulay itim din ang kanyang face shield na akala mo ginupit sa tinted na windshield ng kanyang kotse.

Hindi maaninag ang mata ng talunang politiko dahil madilim na madilim ang face shield at puwedeng magsalamin dito.

Maski ang mga kasamahan nitong dating mambabatas ay nakatuwaan siya dahil sa kanyang agaw-pansin na face shield pero dedma lang ito.

Katwiran ni sir,nagsisiguro lang siya kaya sa kanyang kaligtasan at kalusugan laban sa COVID-19 kaya wala siyang kiber , kahit pa buskahin ng mga barkada sa isang radio program.

Sanay na aniya ito sa pamababaterya ng mga kasama kaya wala ng epekto sa kanya kahit tawagin siyang X-Men.

Si sir ay mula sa angkan ng mga politiko at tila tinamaan ng sumpa dahil lahat silang tumakbong magkakapamilya ay natalo sa nakalipas na eleksiyon.

In fairness, magaling na mambabatas itong si X-Men at nadamay lang sa karma ng kanyang pamilya kaya hindi pinalad na makabalik muli sa Kongreso.

CLUE: Hndi sila magkasundo ng kanyang kapatid na tigasin tulad ng kanilang ama. O, gets nyo na kung sino si X-Men?

The post Talunang politiko pormang X-Men dahil sa COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *